Wednesday, October 2, 2013

PARA ITO SA TAONG MAHAL KO

I
Nang ika'y unang makita
ang mundo ko ay nag-iba
pilit kong inaalala
ang mala-anghel mong mata
II
Hindi ko inaasahan
ang ganitong pakiramdam
na ang 'di ka masilayan
ay malaki nang kawalan
III
Ano nga 'tong nangyayari
sa isip namamayani
ito nga't iyong ginising
natutulog kong damdamin
IV
Mahina akong nilalang
hindi ko man lang magawa
ang ikaw ay malapitan
'ni ang kausapin man lang
V
Ano nga ba ang ginawa mo
na sa aki'y nagpabago
itong manhid ko na puso
ngayon ay pinagaling mo
VI
Ika'y laging nasa isip
itong sa bawat sandali
nasa aking panaginip
IKAW ang aking PAG-IBIG
VII
Gusto ko'y iyong marinig
ang himig ng bawat pintig
ang damdamin ko'y nagsambit
sa puso'y walang kapalit.

No comments:

Post a Comment